
Naghahanda pa lang si Kyline Alcantara pero performance level na ang kanyang pagkanta.
Sa isang behind-the-scenes video na in-upload sa GMA Network Facebook page, mapapanood na naghahanda pa lang si Kyline para sa isang taping at inaayusan ng buhok. Ginamit niya ang oras para mag-vocalize at inawit ang theme song ng Inagaw Na Bituin na “Kinang.”
Umani ng papuri ang aktres at as of this writing, ang kanyang video ay may mahigit 242,000 views na.