
Sa mga nais makita ang aktres na si Isabel Granada sa huling beses, may isasagawang public viewing ngayong araw sa Santuario de San Jose sa Mandaluyong City kung saan nakaburol ang mga labi niya.
Ipinasilip kaninang umaga sa live report ni Lhar Santiago sa Unang Hirit ang magiging flow ng public viewing. One way at paikot ang daanan hanggang makarating sa mga labi ni Isabel upang maging maayos ang pagpapaalam ng publiko sa aktres.
Mamaya ay inaasahan nang darating ang mga pamilya at kaibigan ng yumaong aktres para sa public viewing.