
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, hindi na maitatago ang pagiging Mulawin ni Almiro dahil mayroong tutubo sa kanyang likod.
Matatandaang pinutol ni Alwina ang ugatpak ni Almiro upang hindi siya mahanap ng mga Ravena. Nagdulot ang pagtanggal ng ugatpak ng pagkawala ng alaala ng kanyang anak at ang pagiging Mulawin nito. Muli bang tutubo ang mga pakpak ni Almiro?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.