
Pumirma ng movie contract ang beauty queens na sina Laura Lehmann at Wyn Marquez sa Regal Films, ngunit hindi muna gagawa ang dalawa ng pelikula hanggang hindi pa tapos ang pag-compete nila sa kanilang international beauty pageants.
Ani Laura, "I just wanna represent the country well, focus on that. And when I come home, I'll be happy with any opportunity that I'd get."
Ika naman ni Wyn, "Thankful ako na merong opportunity na ganito na pumasok bago kami umalis."
October 19 ang alis ni Wyn papuntang Bolivia para mag-compete sa Reina Hispanoamericana na gaganapin sa November 5. October 20 naman pupunta si Laura sa China para sa Miss World 2017 ngayong November 18.
Masaya si Wyn dahil iba't ibang Asian fans ang proud sa kanyang achievement. Aniya, "Even Indonesian fans, Vietnamese fans, mga ganun. They message me, "good luck." And they're very proud doon na may magre-represent ng Asia doon."
Panoorin ang full report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMa News