
Isa si Leandro Baldemor sa mga aktor na sumikat sa mga sexy films noong dekada nobenta.
Ngayon, mayroon na siyang matagumpay na woodcarving business sa Paete, Laguna.
Pero bago pa man siya nauwi sa woodcarving, marami pa raw siyang sinubukang mga negosyo.
"Napakarami ko kasing sinubukang business. Nag-manok ako, nag-isda, nag-restaurant, nag-computer shop, nag-bar, marami. Dito na ako na linya. Sa dami ko nang sinubukan, ito 'yung nag-click sa akin at ito 'yung minahal ko," pahayag ni Leandro.
Walong taon na ang kanyang negosyo at nakakapagpadala na rin ng mga gawa sa ibang bansa tulad ng Amerika.
Binalikan naman niya ang ilang mga 'di malilimutang alaala noong aktibo pa siya sa larangan ng sexy films.
"After nung ma-discover ako, seven days lang, one week lang ang pagitan nagshu-shooting na ko. Tandang tanda ko noon ang una kong eksena kissing scene. Hindi pa kami nagwo-workshop gaano ni Priscilla [almeda] noon so wala pa kaming bonding. talagang mahirap. Doon na mismo sa taping naganap 'yung rapport namin na maging maayos," bahagi niya.
Kaakibat ng kanyang kasikatan noon, nakakatanggap din siya ng mga indecent proposals.
"May mga offer sila na, 'Pwede ka bang maka-one night stand? o 'Akin ka na lang,' 'Magkano ka ba?' 'Galing ka lang naman sa gay bar.' Kahit fan mo, meron pa rin silang negative na sinasabi sa 'yo," kuwento niya.
Sa katunayan, hanggang ngayon nakakatanggap pa rin siya ng mga ganitong klaseng alok.
"Kahit nga ngayong matanda na ko, sa Facebook may nago-offer pa sa akin. Magme-message, 'Magkano ka ba? Isang gabi lang.' Ang tanda ko na! Huwag na ako," aniya.
Panoorin ang feature ng programang iJuander kay Leandro at kanyang negosyo: