
Puring-puri ng mga katrabaho si Legally Blind star Janine Gutierrez dahil acting craft nito at professionalism sa trabaho.
Napahanga ng aktres ang kanilang director at Tito in real life na si Ricky Davao sa kanyang pagganap sa high-rating GMA Afternoon Prime series, “As an actress, ang galing-galing!”
Hindi raw bias ang opinyon na ito ni Direk Ricky: “Hindi dahil pamangkin ko siya pero sobrang galing [kasi] pati ako napapatunganga kapag umaarte siya. Mas magaling kay Mommy and kay Daddy!”
Talagang nagmana naman talaga sa galing si Janine sa kanyang celebrity parents na sina Ramon Christopher "Monching" Gutierrez at award-winning actress Lotlot de Leon.
Ano naman kaya ang masasabi ng kanyang leading man sa serye na si Mikael Daez?
“We had one workshop together, and we just kind of clicked. Maganda naman ‘yung relationship from the get-go [so] I guess nag-translate into a good working relationship na hanggang ngayon nandun pa rin.”
Pati ang kanyang pasaway na kapatid sa kuwento na ginagampanan ni Kapuso actress Lauren Young ay hanga rin sa kanyang acting passion, “She’s very dedicated to her work.”
Napaka-professional daw ng kanilang leading lady, “The beginning of the show pa lang, she was doing her full research on what it’s like. For her to do her research, it means she’s not only a responsible actor, she’s a responsible person as well.”
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
WATCH: Janine Gutierrez, todo suporta ang mga magulang sa ‘Legally Blind’
LOOK: Janine Gutierrez on her dream car: “Pinag-ipunan ko ‘to”