
Nitong Sabado (December 23) sa Sarap Diva ay nakasama ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang anak na si Nate at stepdaughter na si Leila para ibahagi ang kanilang kuwento bilang magkapatid.
Ayon sa Asia's Songbird, lahat ng gusto ni Leila ay magugustuhan na rin ni Nate dahil sa sobra nilang pagiging close.
"Nakakatawa silang dalawa, kasi whatever she likes, he likes."
Masaya namang ikinuwento ni Regine kung paano tumatayong ate si Leila kay Nate. Aniya, "'Pag sa gabi, 'pag wala siyang ginagawa, wala ako doon she stays with him. Hanggang dumating kami so they're very close actually.
Inilahad naman ni Leila na hands on siyang ate kay Nate dahil sa kanilang age difference.
"I think 'cause my younger sister she's only five years younger than me so it's a smaller gap. When she was a tiny kid, I was also a little kid so I didn't really experience looking after. I think it's different 'cause I'm older now, I have a lot more patience, I also get to experience having a younger sibling around so it's really fun."
Panoorin ang kanilang kuwentuhan mula sa Sarap Diva: