
Ikinagulat at ikinalungkot nina Lexi Gonzales at Pamela Prinster ang pagkakatanggal ni Rere Madrid sa StarStruck season 7.
Si Rere ay natanggal nitong July 28 at hindi pinalad na maging parte ng Final 10.
Rere Madrid, nagpaalam na sa 'StarStruck' season 7 | Ep. 14
Ayon kay Pamela, ikinalungkot niya ang pagkakatanggal ni Rere sa competition dahil naging close friends silang dalawa.
"I really rely on Rere so much. For emotional support or just to talk to. Siya talaga 'yung rock ko dito sa competition."
Kuwento naman ni Lexi, kahit nagkaroon sila ng conflict ni Rere ay na-resolve naman nila ito at mas gumanda ang kanilang samahan. Nagbigay rin ng mensahe si Lexi sa kanyang kaibigan.
"Rere, alam ko namang matatag ka. Malakas kang tao, matatag kang babae. Kaya mo at 'di ba pinapangarap mo talaga 'to. Kaya mo 'yan, girl. Naniniwala ako sa'yo, I'm proud of you, at mahal kita."
Panoorin ang episode na ito sa Inside StarStruck.