
Maigting ang laban ng pamahalaan sa droga, may mga artista kayang masasangkot dito?
Naging emosyonal ang nanay ng controversial disk jockey na si Karen Bordador nang ma-interview siya ni GMA News reporter Marisol Abdurahman sa 24 Oras.
MUST-READ: Monster RX 93.1 issues official statement on DJ Karen Bordador
Nasasangkot si DJ Karen at nobyo nito na si Emilio Lim sa kaso ng pagbebenta ng iligal na droga matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa kanilang tinitirhang condo unit.
Nakakulong ang radio host sa Southern Police District sa Taguig City.
Ayon sa nanay ni DJ Karen na si Norie Bordador, wala raw katotohanan na sangkot ang kaniyang anak sa pagbebenta ng droga.
“Hindi totoo 'yun. Si Karen ay against drugs. We don’t deserve this, we don’t deserve this (started crying, inaudible).”
Video courtesy of GMA News
Pero sa panayam kay Chief Insp. Willy Sangel ng Southern Police District’s Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group, sinabi nito na si Karen Bordador mismo ang nag-abot kay Emilio Lim ng bag na may laman na Php 100,000 na droga.
Saad ni Chief Insp. Sangel, “Inutusan ni [Emilio] Lim si Karen. [Siya] ang kumuha sa bag para ibigay naman dito kay Lim, bago ibinigay sa ahente natin.”
Celebrities at models, sangkot din sa droga
Hawak na rin daw ng Southern Police District ang listahan ng mga parokyano ng boyfriend ni DJ Karen na ilan daw ay mga anak ng mga mayayaman na personalidad, artista, singer at models.
Nakikiusap na ang mga awtoridad na sumuko na ang mga ito bago pa sila arestuhin.
“Or else ma'am, makakukuha kami ng lead para ma-catch up namin sila. Gumagamit sila at maaring nagbebenta rin sila,” ani Chief Insp. Sangel.
MORE ON KAREN BORDADOR:
DJ Karen Bordador and nobyong Emilio Lim, nahaharap sa maraming kaso dahil sa iligal na droga
IN PHOTOS: Meet the former reality TV contestant and disk jockey Karen Bordador