
Tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na Magpakailanman si Kapuso actress LJ Reyes.
Gaganap siya dito bilang isang mahusay na teacher na sa kasamaang palad ay dumaan sa maraming pagsubok at nakaranas ng depression.
Nahirapan man daw si LJ sa pagganap sa role, na-inspire naman daw siya at maraming natutunan dahil dito.
"Just hold on to the light. Hold on to hope and eventually, kakayanin mo. Pero lagi ko nang sinasabi, kahit bilang isang nanay, hindi mo kakayanin minsan na ikaw lang. Pwedeng humingi ng tulong," pahayag niya.
Panoorin ang interview kay LJ sa 24 Oras:
Mapapanood ang episode ni LJ na pinamagatang "Ang Puso ng Isang Guro" sa Magpakailanman, October 21 pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento.