
Hindi nagpahuli ang aktor na si John Estrada sa nauuso ngayong #InMyFeelingsChallenge.
Sa pagitan ng kanyang mga eksena bilang Loki sa GMA Telebabad superhero series na Victor Magtanggol, sumayaw siya sa kantang "In My Feelings" ng international singer na si Drake.
"Oh haaaaa..... nag KIKI Dance na si loki ha.... marami pa yan .... tutok lang sa Victor Magtanggol gabi gabi pagkatapos ng 24 Oras....," sulat niya sa caption ng kanyang maikling video.
Patuloy na panoorin ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.