What's Hot

WATCH: Lola, nanalo ng 700M sa Lotto?

Published October 2, 2018 1:38 PM PHT
Updated October 2, 2018 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang kuwento ni Lola Carmen na may may hawak ng winning number combination para sa Ultra Lotto 6/58 noong September 23.

Pigil-hiningang hinihintay ng buong bansa kung sino ang mananalo ng 700 million pesos na jackpot sa Ultra Lotto 6/58. Ilang linggo na ang lumilipas na wala pa ring nananalo. Habang walang nananalo, palaki na ng palaki ang premyo.

Kamakailan lang ay umabot sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho na mayroon diumano na sumakto ang mga numero na itinaya sa lotto sa September 23 na winning numbers.

Tinamaan daw ng 74 years old na si Lola Carmen ang lahat ng winning numbers sa lotto nitong September 23. Pero hindi pa rin daw niya naiuuwi ang 704 Million Pesos na jackpot.

Hawak ng 74-anyos na si Lola Carmen ang winning ticket para sa September 23. Lucky pick ang itinayang ticket ni Lola Carmen, kung saan makina ang pipili ng kombinasyon ng mga numero na itataya.

Nitong September 25 daw napansin ni Lola Carmen, tugma ang itinaya niyang lucky pick ticket sa winning numbers.

Ngunit pag tingin niya sa petsa na nakalagay sa kaniyang ticket, hindi September 23 ngunit September 25.

Ibig sabihin ang numero ni Lola Carmen, hindi tumama sa September 23 draw ngunit sa September 25.

“Ang nagkamali sa lotto, yung machine. Nagkamali ng lagay petsa na September 25 sa halip na 23.”

Tama ang mga numero, pero mali ang petsa. Paano nagka-ganun? Bakit kaya?