What's Hot

WATCH: Lotlot de Leon, bakit nilalayo ang kanyang Lebanese fiancé sa showbiz?

By Bea Rodriguez
Published August 10, 2018 3:03 PM PHT
Updated August 10, 2018 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Sa tinagal-tagal ng Lotlot de Leon sa showbiz, natutunan na niyang ihiwalay ang career sa kanyang personal na buhay.

Tinaguriang showbiz royalty ang award-winning actress na si Lotlot de Leon bilang anak nina Superstar Nora Aunor at Christopher de Leon.

Isang bukas na libro ang buhay ng pamilya ni Lotlot at hindi maiiwasan na mapag-usapan ito. Sa tinagal-tagal ng aktres sa showbiz, natutunan na niyang ihiwalay ang career sa kanyang personal na buhay.

Isa na rito ang pag-iwas niya sa mga kwestiyon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at ang pagbahagi ng kanyang relasyon sa kanyang Lebanese businessman boyfriend na si Fadi El Soury.

“Isa [sa] mga natutunanan ko in the industry na ihiwalay 'yung personal doon sa pampubliko, especially I'm in a relationship with someone who's not in the industry, parang respeto ko na lang din sa kanya para 'yung buhay ko na lang ang guluhin, hindi na 'yung sa kanya,” saad ni Lotlot sa report ng Unang Hirit.

Samantala, ikakasal na rin na si Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista sa kanyang non-showbiz telecom executive girlfriend na si Kat Ramnani. Magiging intimate rin daw ang kanilang selebrasyon.