What's on TV

WATCH: Lovely Abella at Benj Manalo, ikakasal na?

By Felix Ilaya
Published February 18, 2019 5:17 PM PHT
Updated February 18, 2019 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpakilig ang couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo sa Mars! Panoorin 'yan dito.

Nagpakilig ang couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo sa Mars!

Lovely Abella & Benj Manalo
Lovely Abella & Benj Manalo

To my Valentine, thank you for Loving me everyday, you're my sunshine after the rain. You're the cure against my fear and my pain. 😅 but seriously you know how thankful Iam that i have you in my life. Thank you 😍 4years and still having the same feeling 🥰 love you baby 😍 happy Valentines @lovelyabella_ #BenLy

A post shared by Benj Manalo (@benj) on

Dito ibinahagi ng dalawa ang sikreto ng kanilang four-year-long relationship at kung papaano nila napapanatiling buhay ang kanilang feelings para sa isa't isa.

Ayon kay Lovely, sinisikap raw nila ni Benj na palaging i-achieve ang kanilang #CoupleGoals.

"Gusto namin lagi kaming yearly 'yung may goal kami para hindi kami nagsasawa sa isa't isa na ito lang 'yung lagi nating ginagawa. So iyon, wala pa kami doon sa stage ng pagpapakasal pero napapag-usapan na namin 'yon. Sinasabi ko na rin sa kaniya ang gusto kong singsing," kuwento ni Lovely.

Dagdag pa ni Benj, kahit matagal na silang magkasama, parang nasa getting-to-know stage pa rin daw sila.

Aniya, "'Yung getting-to-know stage namin is everyday, kaya siguro hindi rin kami nagsasawa kasi from time-to-time may natutunan ako from her, may natututunan siya sa'kin, vise-versa. Mas nag-go-grow kami as a couple and as an individual kaya mas nag-wo-work 'yung relationship namin.

Panoorin ang buong nakakakilig na chikahan nina Lovely at Benj sa Mars.