
Magsasama sina Kapuso actress Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikulang The Significant Other kung saan magiging leading man nila si Tom Rodriguez.
READ: Kapamilya talent Erich Gonzales excited to work with Kapuso Primetime actress Lovi Poe
Habang nasa taping ng nasabing pelikula, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa pagitan nina Lovi at Erich. Base sa viral video na kuha mismo sa set, tila malakas ang naging sampal ng Kapuso star sa kanyang kaeksena na ikinagulat din ng mga nakapaligid sa kanila.
Dahil hindi ito sinasadya ni Lovi at nadala lamang siya sa kanyang emosyon, sa huli ay nagkaayos din ang dalawa.
Panoorin ang video:
Video courtesy of Shine Graham