
Exciting ang second half ng 2019 ni Kapuso actress Lovi Poe.
Dahil maliban sa kaniyang blossoming love life at iba't ibang travels abroad ay naghahanda na rin siyang bumalik sa recording studio para mag-release ng bagong single.
Ayon kay Lovi, “I'll be starting my music career again soon.”
Maalalang nag-release si Lovi ng dalawang studio album na pinamagatang “The Best of My Heart” noong 2006 at “Bloom” noong 2008. Nagkaroon rin siya ng concert sa Music Museum na pinamagatang “Fantasie” noong 2016.
Pero bago ang lahat ng iyan, makakasama muna ni Lovi si Dennis Trillo para sa Sinagtala 2019 festival sa Singapore sa darating na Linggo, July 14.
Ang gaganaping festival sa Scape Ground Theatre ay hatid ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin sa Singapore.
“Excited na po kami ni Dennis na makasama 'yung mga Kapuso natin sa Singapore and expect niyo po na we're gonna have so much fun,” pahayag ni Lovi.
Panoorin ang buong ulat sa chika ni Cata Tibayan:
#WowFactor: 17 hottest bikini photos of Kapuso drama princess Lovi Poe
#LoviYourBody: Lovi Poe's gym photos goes viral