
Nagkwento ang Unang Hirit host na si Luane Dy kung paano nag-propose ang kanyang nobyo na si Carlo Gonzalez.
Luane Dy and Carlo Gonzalez are now engaged!
Nag-propose si Carlo kay Luane habang nanonood sila ng firework display sa Disneyland sa Los Angeles, California.
"Hindi rin talaga ako makapaniwala na, 'Ito na ba talaga 'yun? Totoo ba 'to?'" kuwento ni Luane.
"Noong nilabas na niya yung ring, 'Ay shocks! Totoo na nga.'"
Ngayong engaged na sila, inamin ni Luane na mas lalo pa silang sumaya ni Carlo at mas malambing sa isa't isa.
"Iba 'yung happiness pati kay Carlo nakikita ko iba rin 'yung happiness," saad ni Luane.
"Mas malambing siya, mas maalaga siya."
Sinabi rin ni Luane na plano nilang magpakasal sa December 2020.
"Ang plano niya, December 2020. Parang sila nung brothers niya, may tina-try silang i-arrange na church on the hill sa Baguio," pag-amin ni Luane.
Pinakita rin ni Luane ang kanilang engagement ring sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.