
Ang tunay na pag-ibig ay walang raw pinipiling anyo, kulay at kalagayan sa buhay.
Kaya malayo man sa tipikal na tambalan hindi magpapahuli ang love team na bida sa mga Kapuso shows.
Isa na rito ang #LuNay love team, o ang tambalang Lucas at Onay, na ginagampanan nina Wendell Ramos at Jo Berry sa Kapuso series na Onanay.
Ayon kay Jo hindi raw mahirap kiligin sa kanyang co-star.
“Ang hirap naman na hindi kiligin kasi si Wendell Ramos yun.
"At off-cam sobrang nice po siya. Ganun din, sobrang alalay sa akin,” dagdag pa niya.
Tuwing hapon naman, hindi pahuhuli ang tambalang #BoBrey ng My Special Tatay.
Kuwento nina Ken Chan at Rita Daniela na gumaganap bilang Boyet at Aubrey sa serye, ipinapakita ng kanilang mga karakter ang mga nararanasan ng ibang Pilipino ngayon.
Ayon kay Rita, “Nakaka-relate sila kasi naging boses kami ng mga taong feeling nila hindi sila karapatdapat mahalin.
“Kasi sa case nina Boyet and Aubrey, una pa lang hindi sila happy ending and 'yun 'yung nangyayari in real life.”
Kilalanin at panoorin ang iba pang tambalang tunay na maghahatid ng kilig sa ulat ni Luane Dy: