
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, muling babalik sa kapatagan si Anya at mahuhuli siya ng mga tao.
Hindi na magagawang mailigtas ni Aviona nang mag-isa si Anya kaya't lalapit siya kay Daragit. Si Daragit ay hindi pabor sa mga Tabon o ang mga Mulawin na may dugong mortal. Dahil isang Tabon si Anya, pagbibigyan niya kaya ang hiling ni Aviona na iligtas ang anak?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.