
Hindi lamang sa pagkikilay at pagpapatawa si Jinky Anderson a.k.a. Madam Kilay magaling, dahil may ibubuga din siya pagdating sa biritan. Mapapanood ngayong Sabado, June 3, ang kuwento ng kanyang buhay sa Magpakailanman. Dito matutunghayan kung paano siya nakipagsapalaran sa Japan at Korea bilang isang singer.
WATCH: Kuwento ng buhay ng internet sensation na si Madam Kilay, mapapanood sa 'Magpakailanman'
Nagbigay ng patikim si Madam Kilay ng kanyang performance sa pamamagitan ng pagkanta ng theme song ng Magpakailanman.
Singing sample from Madam Kilay!Trivia: Alam n'yo bang may talent din sa singing si Madam Kilay? Narito ang konting sample. :) #MadamKilayAndAfam
Posted by Magpakailanman on Tuesday, May 30, 2017
Huwag palampasin ang episode na ito ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto.