What's Hot

WATCH: Maey Bautista, nahulog sa kabayo!

By Marah Ruiz
Published May 11, 2018 12:22 PM PHT
Updated May 11, 2018 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Concern raised over maggots in lechon at Davao City restaurant
Coca-Cola Philippines’ iSTAR Program Powers Family-Owned Carinderia’s Rise in Cebu
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang episode ng 'Day Off,' na-challenge si Maey Bautista sa pagsakay sa isang race horse. 

Bumisita sina Day Off hosts Ken Chan at Maey Bautista sa isang kuwadra sa Cavite para bigyan ng bakasyon ang horse exercise rider na si Leo Vasquez Jr. 

Isa sa mga trabaho ng isang horse exercise rider ang i-exercise ang mga kabayo sa pamamagitan ng pagsakay dito paikot sa race track kaya ito ang isa sa mga magiging challenges para kina Ken at Maey. 

Swabeng nakasakay si Ken sa kabayo, habang kinailangan naman ni Maey ng tulong mula sa ilang kalalakihan para makasakay dito. 

Sa isang punto, nahulog pa nga siya mula sa kabayo, pero pinalad na di naman nasaktan. Matapos ang ilang pagsubok, nakasakay din siya sa kabayo. 

Mas mataas kasi ang mga race horses kaysa sa mga kabayong kadalasan pwedeng sakyan sa mga popular na tourist destinations sa Pilipinas.

Sa tulong ng iba pang horse exercise riders, naiikot din nina Ken at Maey ang mga kabayo sa track. 

Panoorin ang kanilang experience sa programang Day Off: