
Sulit mamili sa mga online stores dahil hindi hamak na mas makakamura ka at makaka-discount pa.
Pero paano kung ang ibinebenta pala rito ay mga regalo mula sa ex ni seller?
Bibilin mo pa ba ang mga ito dahil mura ang halaga o bibilin mo para tulungan siyang makalimot?
'Yan ang nakakaaliw na kuwento na dapat abangan sa third episode ng One Hugot Away na pinamagatang 'Let Go Na.'
'One Hugot Away' presents two new stories 'Let Go Na' and 'Paano Ibabalik ang Spark'
Mapapanood ang first part ng 'Let Go Na' simula November 18 hanggang November 20 sa commercial gaps ng Kapuso Movie Festival, The Gift, at Sky Castle. Samantala, mapapanood naman ang second part o finale nito sa November 21 sa commercial gap ng Sky Castle.
Kung hindi mo man mapanood ang third episode ng One Hugot Away sa TV, maaari itong i-stream sa official Facebook at YouTube channel ng GMA Network sa November 19, 5 p.m., para sa first part, at November 22, 12 nn, para sa second part.