
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, kailangang lampasan ni Sang'gre Pirena ang hamon ng mga hunyango upang maipagpatuloy nila ang misyong mahanap ang sandatang makakapaslang sa Minokawa.
May kakayahan ang mga hunyango na gayahin ang wangis ng sino man. Sa pakikipaglaban nila kay Pirena, susubukan nilang linlangin ang hara ng Hathoria sa pamamagitan ng pagpapalit sa anyo ni Lira. Maiisahan kaya ng mga hunyango si Pirena o mangingibabaw ang pagiging ashti niya at makilala ang tunay na Lira?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad