
Sa Mulawin VS Ravena, ngayong hari na ng mga Mulawin si Almiro at nasa Halconia na si Rafael, magiging mortal na magkaaway na ang dating magkaibigan.
Sabay na lumaki sina Almiro at Rafael sa Tierra Fuego. Matatandaang ilang beses iniligtas ni Almiro ang buhay ni Rafael ngunit nais pa rin ng huli na mapahamak ang kaibigang taong ibon. Ngayong isa na siyang Ravena, lalo bang iigting ang kanyang galit kay Almiro na isang Mulawin?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.