
Mala-Ondoy man ang ulan at baha na dumating, hindi pa rin nito napigilan ang kasal nina Jefferson at Jobel delos Angeles
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinakita ng bride and groom sa kanilang viral video kung paano nila naitawid ang kanilang kasal kahit na tuloy tuloy ang buhos ng ulan.
Hindi inalintana ang baha sa loob ng simbahan, lumusong pa rin ang dalawa para makarating sa altar.
Ayon kay Jobel, “Go with the flow, dire-diretso lang. Kasal ko naman 'yun eh, bakit ititigil pa.”
Sumakay pa ng bangka ang dalawa para lang makarating sa simbahan.
Kuwento ni Jefferson, “Naka-tsinelas lang po kami, nakatapak, naglalakad. Sobrang laki po kasi ng tubig, kaya para hindi na po madulas 'yung iba, pinagtapak na rin po namin sila habang naglalakad.”
Panoorin ang kanilang ekslubong kuwento patungong forever KMJS: