
For the first time, matatambal ang magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa sa darating na episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.
Ang kuwentong pinamagatang “Langit Ka, Lupa Ako” ay nagtatampok ng pag-iibigan ng isang Pilipinong mahirap at isang Chinese na mayaman.
Bahagi ni Nicole, “[Our characters] fell in love with each other.
“Sobrang bawal kasi 'yung character ko, may arranged marriage na with another guy.”
Kahit na ito ang kanilang kauna-unahang on-screen romance, maayos at smooth-sailing raw ang taping nila na kinuhanan pa sa Baguio.
At mas lalo raw naging madali para sa dalawa ang ganapin ang sweet moments nila on-screen.
“Ang saya super! I was so happy and it was a really good experience.
“And sobrang dali ng trabaho,” sambit ni Nicole.
Dagdag pa ni Mark, “'Yun siguro 'yung nakatulong sa amin.
“Especially with the scenes na kailangan malambing, kailangan may sweet moments.”
Subaybayan ang pagtatampok nina Mark at Nicole sa Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
#Nabihag: Mark Herras and actress Nicole Donesa confirm relationship
LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa's sweet couple photos