What's on TV

WATCH: Maglalaban ang mga tweens sa 'Lip Sync Battle Philippines'

By Marah Ruiz
Published June 14, 2018 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Maghaharap sa 'Lip Sync Battle Philippines' stage ang mga Kapuso tweens na sina Jillian Ward, Miggs Cuaderno, Will Ashley at Sofia Pablo. Panoorin ang kanilang pre-show interview.

Handa na ang new batch ng mga Kapuso tweens para sa kanilang labanan sa Lip Sync Battle Philippines!

Haharapin nina Jillian Ward at Miggs Cuaderno sina Will Ashley at Sofia Pablo sa isang lip sync showdown.

Ayon kay Jillian, ang direktor pa mismo ng show ang nag-imbita sa kanya kaya agad siyang pumayag.

"Na-excite po kasi 'yung director po natin, si direk Rico Gutierrez, talagang tinanong niya po kung gusto kong mag Lip Sync Battle. Na-excite po ako. Sabi ko,'Oo.' Siyempre kasi napapanood ko po siya—talagang nakakatawa," kuwento niya.

Dream come true naman para kay Sofia ang makapag-compete sa show.

"'Yung nakaraan po nanonood ako. Sabi ko, 'Sana mag-guest ako. Gusto ko rin ma-try.' So ngayon, super excited po kami," aniya.

Panoorin ang kanilang buong preshow interview dito: