
Nakunan sa video ang reaction ni Maine Mendoza nang siya ay tumanggap ng flu shot. Ang phenomenal star at dabarkads ay takot pala sa injection.
Team work kung maituturing ang naging eksena nang bigyan ng injection si Maine.
Taga-kalma niya si Ruby Rodriguez na yinakap pa siya bago matusok ng malaking karayom. Samantala, chini-cheer naman ni Ryzza Mae Dizon at ibang dabarkads si Maine para 'wag ito matakot.
Mangiyak-ngiyak na raw si Maine dahil sa injection. Napakurot din siya kay Ruby sa sakit.
Panoorin: