
Isa na namang bagong online challenge ang kinalolokohan ng mga Pinoy, at hindi nagpahuli rito ang mga aktres na sina Maine Mendoza at Ashley Rivera.
Sa video na in-upload sa Maine Mendoza fan account, makikita ang Daddy's Gurl actress na agad na pinagbigyan ang kumuha ng video nang kantahin nito ang bahagi ng “Dalagang Pilipina” ng hip-hop group na Allmo$t.
Heto na sya hahahaha “dalagang pilipina yeah”@mainedcm #MaineMendozaBoxOfficeQueen pic.twitter.com/GTyjyjhOmS
-- MAINE LOVERS™ (@MaineLoversPH) March 24, 2019
Sa pamamagitan naman ng Instagram video, ipinakita ng Bubble Gang babe na si Ashley ang kaniyang pabebe looks, na pasok na pasok sa nauusong #DalagangPilipinaChallenge.
Sabi pa niya sa caption, Proud to be a Dalagang Pilipina 🇵🇭 Mag-change image na ko guys ha? Magmula ngayon... pa-bebe na ko [smile emoji] Mahinhin, sweet, soft spoken, poised, vavae, shy type. Genen. Hihihihi [twin hearts emoji].”
Naging viral din sa social media ang #DalagangPilipinaChallenge video ng magkakaibigang sina Kristel Fulgar, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro.