What's on TV

WATCH: Maine Mendoza, gaganap bilang ballerina na si Carol sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published December 21, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma crosses Eastern Samar
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo ng Lola Ko episode December 27


Maine Mendoza, maghahatid ng pag-asa at tuwa sa 'Christmas Carol' story ni Lola Goreng sa Linggo ng gabi, 7:05 p.m.

Walang patid ang paghahatid ng makabuluhang kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) ngayong Christmas season!

At para sa episode sa darating na Linggo ng gabi, December 27, mapapanood ang bankable actress at endorser na si Maine Mendoza sa natatanging Christmas story na aantig sa inyong mga puso.

Yayain ang buong pamilya na manood ng 'Christmas Carol' tale ng weekly-magical anthology sa December 27 sa oras na 7:05 PM, kung saan makakasama din ni Maine ang dabarkad niya na si Baeby Baste.

Memorable ang December para sa buong team ng Daig Kayo ng Lola Ko, dahil bukod sa kaarawan ni Ms. Gloria Romero ay nag-uwi din ito ng parangal sa katatapos na 42nd Catholic Mass Media Awards.

Early Christmas present sa buong production team ng children's fantasy show ang award for Best Children and Youth Program (Television category).

Kaya sa darating na 2021, patuloy na tutukan ang magical stories ng favorite lola natin na si Lola Goreng sa 'Daig Kayo Ng Lola ko!'