
Hindi nagpahuli ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa patok na dance moves ng online sensation na si Dante Gulapa.
Pinag-uusapan ngayon sa Twitter ang todong paghataw ni Maine ala Dante Gulapa nang bigyan siya ng advance birthday celebration sa taping ng Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.
Ayon sa tweet ng Daddy's Gurl star, hindi daw niya napigilan gayahin ang 'eagle pose' ni Dante Gulapa nang mapanood niya ito sa Facebook.
Eh yung kuhang kuha talaga ni @mainedcm dance moves ni Dante Gulapa??!! HAHAHAHAHA tawang tawa talaga ako!! The best yung “eagle” move 😂😂#MaineMendoza pic.twitter.com/3f1Q0zv43T
-- ~ nickie (@radiaaant) February 26, 2019
“Omg hahahahahahaha yan kasi una kong napanood kaninang umaga sa facebook, ayan tuloy dala ko na kahit saan [laughing emoji]”
Omg hahahahahahaha yan kasi una kong napanood kaninang umaga sa facebook, ayan tuloy dala ko na kahit saan 😅
-- Maine Mendoza (@mainedcm) February 26, 2019
Sobra namang natuwa si Maine Mendoza sa surprise party na inihanda ng mga kasamahan niya sa Daddy's Gurl para sa nalalapit niyang 24th birthday sa March.
Bukod kay Maine, ilang celebrities na rin ang sumubok gawin ang dance moves ng kinagigilawang si Dante Gulapa.
WATCH: Ruru Madrid, David Licauco challenge online sensation Dante Gulapa in dance showdown
Panoorin ang dance tutorial niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Kaya mo bang gawin ang 'Eagle Pose' ala Dante Gulapa? RT this video! 🤣 #KMJS pic.twitter.com/oPqwEQFXPD
-- KapusoMoJessicaSoho (@KM_Jessica_Soho) February 26, 2019