
Ayon mismo kina Maine Mendoza at Carlo Aquino, dapat abangan ng mga manonood ang kanilang dance scene sa Isa Pa With Feelings.
Pahayag ni Maine, "'Yung dance scene dapat nilang abangan kasi ang tagal din namin, prinactice 'to, ang tagal naming inaral, so sana magustuhan din nila yung routine and 'yung bagong ma-o-offer namin ni Carlo."
Pag-amin naman ni Carlo, "Hindi lang namin ginawa 'yon ng isa pa, maraming beses pa na with feelings talaga."
Dagdag niya, "Isa talaga 'yon sa mga favorite naming eksena."
Nagpasalamat din si Maine sa kanyang fans na nag-antay sa kanilang premiere night sa SM Megamall kagabi, October 15.
Panoorin ang buong interview ni Cata Tibayan kina Maine at Carlo sa 24 Oras:
Mapapanood na ang Isa Pa With Feelings sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong araw, October 16.