Intimate ang naging pre-birthday celebration ni Destined To Be Yours star Maine Mendoza kasama ang lucky fans na nanalo sa kanyang dinner date contest.
Nakakuwentuhan at nakachikahan ng mga tagahanga ang kanilang idolo over dinner at extra special pa ito dahil nangyari ito ilang araw bago ang actual na kaarawan ng dalaga.
Masaya ang Eat Bulaga darling na nakilala at naka-bonding niya ang ilan sa kanyang mga tagahanga, “May galing pang Davao so nakakatuwa na nabigyan sila ng chance na makapunta dito and makapag-spend ng time with me kahit over dinner lang.”
Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Unang Hirit, very happy umano si Maine sa matagumpay na pilot week ng kanyang pinagbibidahang Primetime soap kasama si Pambansang Bae Alden Richards.
Bukod sa mataas na ratings ng Destined To Be Yours, trending worldwide at umabot pa sa 4.6 million tweets ang pilot episode nito.
Video from GMA News
MORE ON MAINE MENDOZA:
WATCH: Alden Richards, sinorpresa si Maine Mendoza sa kanilang Facebook Live Chat
READ: Wyn Marquez, tinukso si Maine Mendoza tungkol sa pilot episode ng ‘Destined To Be Yours’
LOOK: Maine Mendoza’s pormang pang-artista
Photos by: @kapusoprgirl(IG)