
Ibang klase humataw si Maine with the EB Babes!
Sa Boracay nagdiwang si Maine Mendoza ng kanyang ika-21 na kaarawan, at mapapansing hanggang sa huli ay talagang sinulit ng Yaya Dub star ang kanyang maiksi at well-deserved na bakasyon.
Maliban sa pag-parasailing at jet ski, at pag-relax sa mala-paraisong isla, nakipagsabayan din si Maine sa sayawan sa mga EB Babes.
IN PHOTOS: Maine Mendoza and Alden Richards in Boracay
Mapapanood sa video na ibinahagi ni EB Babe Lyka ang kanilang paghataw nina Maine, EB Babe Aizel at EB Babe Rose Ann sa kanta ni Rihanna na "Work."