What's Hot

WATCH: Maine Mendoza, nasorpresa sa pakulo ng fans sa kanyang 3rd showbiz anniversary

By Bea Rodriguez
Published July 8, 2018 6:45 PM PHT
Updated July 9, 2018 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Classes, trips in parts of Surigao provinces cancelled due to Ada 
Baguio warns public over mayor’s compromised phone number
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



Idinadaos ngayong araw, July 8 sa Circuit Makati ang "Mainelandia 2018: A Unity Fun Fair." 
 

@mainedcm at #MainelandiaFair2018 ???? @mainelandia2018

A post shared by Universal Records PH (@universalrecordsph) on

 

Idinadaos ngayong araw, July 8 sa Circuit Makati ang "Mainelandia 2018: A Unity Fun Fair." Ito ay ang hinandang event ng mga fans ni Phenomenal Star Maine Mendoza para sa 3rd year anniversary ng kanilang idolo sa showbiz.

IN PHOTOS: Mainelandia Fun Fair 2018

Nasorpresa raw ang Kapuso star dahil kamakailan niya lang nalaman na may engrandeng selebrasyon sa loob para sa kanyang anibersaryo sa industriya, “Thank you. Pinost nila ‘yung poster siguro mga a month ago tapos doon ko lang nalaman na meron palang ganitong event so parang in a way, na-surprised din ako.”

Nakiisa ang mga tagasuporta ni Menggay para sa exciting activities, booths, games at exhibits sa perya. Tampok rin ang mini bazaar o ukay-ukay ng kanyang mga pre-loved items at saka mga mamahaling gamit.

“Ang dami kong mga gamit na hindi ginagamit, mga clothes [and] mga shoes at naisip ko ding i-donate siya sa charity. Siyempre, para mapakinabangan din naman instead ma-stack lang siya sa cabinet ko. At least, makakatulong kami,” kwento ng 23-year-old Eat Bulaga darling sa 24 Oras Weekend.

Trending at nanguna din sa listahan ng Twitter Philippines ang #MainelandiaFair2018