
Espesyal ang magiging character na gaganapin ni Phenomenal Star Maine Mendoza sa Christmas episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Gaganap si Maine bilang isang Christmas ornament na magsisilbing regalo kay Carol, ang bida ng kuwento.
Bahagi nito, “Namatay 'yung totoong Carol tapos may nagbigay sa kanya ng ornament na binase sa face niya.
“So, kamukha ko din, tapos nabuhay yung ornament na yun at tutulungang magkabati 'yung family niya.”
Dahil heartwarming ang magiging istorya ng series, handa na kayang sumabak muli sa heavy drama si Maine?
“Ay hindi!” biglang sagot niya kay 24 Oras reporter Nelson Canlas.
“Sabi ko sa sarili ko awat na ako at kakatapos ko lang, e. So sa drama side, siguro sa family ko.
“Dito [sa Daig], ako siguro 'yung pampa-light ng story.”
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:
Abangan si Maine sa Christmas episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang "Christmas Carol."
LOOK: Maine Mendoza returns to 'Daig Kayo Ng Lola Ko' as a ballet dancer
WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza excited sa kanilang entry para sa MMFF