
Halos maiyak ang Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza sa grand launch ng kaniyang first book na 'Yup, I Am That Girl' noong October 26 sa Trinoma mall, Quezon City.
LOOK: Maine Mendoza demonstrates her star power in 'Yup, I Am That Girl' book launch
Libo-libong AlDub fans ang nagpakita ng suporta para sa Eat Bulaga superstar na natupad ang isa sa mga nakalistang bagay sa kanyang bucket list - ang makapaglabas ng sariling libro.
Sa panayam ni Maine sa Unang Hirit, ibinahagi nito ang pinakapaborito niyang moment habang sinusulat ang 'Yup, I Am That Girl.’
Kuwento niya, “Sleepless nights actually lahat kasi 'yan, marami kasi akong impormasyon na isiniwalat.”
Hindi maikakaila na nananatili pa rin ang star power ni Maine Mendoza. Hindi lamang sa TV, commercials at movie, ngayon pati na rin sa mundo ng publishing. Matatandaan na nabalitang sold out kaagad ang kaniyang libro.
Paano naman niya isinasalarawan ang sarili sa isang salita matapos pagdaanan ang napakaraming bagay sa showbiz?
“Ah ang hirap! Stronger, stronger na lang. Kasi dati strong lang, ngayon stronger na (laughs). Sa susunod strongest.”
Video courtesy of GMA News