Napuno ng sorpresa at pasabog ang 22nd birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.
Opening number pa lang, nagpakitang-gilas na si Maine sa pagkanta, pagda-drums at pagba-ballet. May nakakakilig pa siyang song and dance number kasama ang ka-love team na si Alden Richards. Ang hashtag na #MaineCelebration, nag-trend din worldwide sa Twitter.
Tuloy-tuloy ang surprises para sa birthday girl sa segment na ‘Jackpot En Poy’ dahil nakilahok dito ang kanyang Tatay Dub na si Teodoro Mendoza at ang kanyang local celebrity crush na si Kier Legaspi.
Kinilig naman ang AlDub Nation nang magharap sa ‘Jackpot En Poy’ sina Jake Ejercito at Maine. Si Alden kasi, tila nagselos kaya todo pa-cute ang ginawa ng Pambansang Bae.
Video from GMA News
MORE ON MAINE MENDOZA:
'Eat Bulaga' Dabarkads and guests greet Maine Mendoza a happy birthday
WATCH: Fans ng AlDub, nagsama-sama para sa birthday celebration ni Maine Mendoza
LOOK: Maine Mendoza's pormang pang-artista