
Sa kasikatang tinatamasa niya ngayon, paano nga ba nananatiling mapagkumbaba si Maine Mendoza?
Sa kasikatang tinatamasa niya ngayon, paano nga ba nananatiling mapagkumbaba si Maine Mendoza?
Ibinahagi ng Destined To Be Yours lead actress ang sikreto niya sa pananatiling humble sa panayam sa kanya ni Queen of All Media Kris Aquino.
"Ayoko pong isipin 'yung nangyayari sa akin ngayon. Kasi feeling ko 'yun din 'yung isa sa mga factors kung bakit hindi po umaakyat sa ulo ko 'yung nangyayari," pahayag niya.
"Parang just go with the flow lang po ako sa nangyayari. Ine-enjoy ko lang po lahat," dagdag pa nito.
Naibahagi din ni Maine na mariin niyang ipinagdarasal na malaman kung ano ang nakatakda para sa kanya.
"Kasi, Ms. Kris, wala po akong talent. Hindi po ako sanay sumayaw, kumanta, arte," paliwanag niya.
Ito na rin ang naging rason kung bakit sinubukan niya ang kurso niyang culinary arts.
"Sinubukan ko rin kasi baka po doon din 'yung career path ko, sa culinary. Pero hindi rin po talaga eh," kuwento niya.
Narito ang buong interview ni Kris kay Maine.
Video from Kris Aquino's YouTube channel
MORE ON MAINE MENDOZA:
WATCH: Maine Mendoza reveals her dream honeymoon destination
Maine Mendoza, anong edad gustong ikasal?