
Malapit na bang mabunyag ang totoong pagkatao ni Super Ma’am?
Patuloy na tutuparin ni Avenir ang misyon ng mga Tamawo, habang laging handa naman si Teacher Minerva sa kanyang tungkulin na sagipin ang mga tao laban sa mga Tamawo.
Sa gitna ng kanilang digmaan, kinakailangan ni Minerva na baguhin ang kanyang anyo bilang ang Tamawo Slayer na si Super Ma’am.
Mahuhuli ba ang ating hero sa classroom ng kanyang Tatay Chaplin? Ito na ba ang oras na mabubunyag ang totoong pagkatao ni Super Ma’am?
Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am mamayang gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.