
Sa episode ng Encantadia kagabi, nagtagumpay si Asval (Neil Ryan Sese) sa pagpaslang kay Ybarro (Ruru Madrid). Ipinaalam ni Hitano (Pancho Magno) kay Reyna Amihan (Kylie Padilla) ang balitang ito.
Matatandaang mayroong lihim na pagtingin si Hitano kay Alena (Gabbi Garcia) kaya't kasabwat siya sa pagkitil ng buhay ni Ybarro. Bukod pa rito, si Ybarro rin ang tumatayong ama ng anak ni Amihan na si Lira.
Ngayong gabi, ipapaalam na ni Amihan kay Alena ang pagkamatay ng minamahal niyang si Ybarro. Paano kaya ito tatanggapin ng mga Sang'gre? Panoorin ang teaser:
Encantadia: Ang hinagpis ni Alena by encantadia2016
Tumutok lang sa Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON ENCANTADIA:
Encantadia: Studio Tour by encantadia2016
Alden Richards, papasok sa 'Encantadia' bilang isang 'Mulawin'
WATCH: 'Encantadia Sessions' Correspondent Nar Cabico raps about 'Encantadia'