
Magkakabukingan ba sina Super Ma’am at Tamawo Queen Greta?
Kasalukuyang nagpapanggap si Greta bilang ang kilalang archaeologist na si Raquel Henerala, ang ina ni Minerva.
Ang inakala nilang patay ay buhay pa pala at doon na sa mga Henerala nakatira. Unti-unti pa lang daw bumabalik ang mga alaala ni Raquel ngunit hindi kumbinsido si Lola Lolita.
Mabuking kaya ni Lola Lolita ang totoong pagkatao ng kanyang “anak?"
Alamin at huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am, gabi-gabi ng 7:45 p.m. sa GMA Telebabad.