
Kagaya ng nakararaming mga nanay, nahirapan din ang aktres na si Manilyn Reynes sa pagbigat ng kanyang timbang habang at pagkatapos ng kanyang pagbubuntis.
Aminado ang aktres na hindi siya naging maingat sa dami o uri ng pagkain na kinokonsumo niya noon.
"Ako, heaviest ko talaga, after akong manganak sa first [baby] ko kasi walang kontrol eh," kuwento niya.
"I think 174 [lbs. ang timbang ko]. Ang laki, sobrang laki talaga noon! Alam mo 'yung after lumabas 'yung babay, hindi mo alam ngayong kung papaano," dagdag pa niya.
Unti unti naman daw niyang nabawasan ang kanyang timbang sa pamamagitan ng page-ehersisyo.
Hilig daw niyang tumakbo at mag-hula hoop. Bukod dito, nahilig din siya sa boxing.
"Ako ay boxing fan talaga kahit noon pa. Maliit pa lang ako nanonood ako ng boxing kasama ang lolo ko," pag-alala ni Manilyn.
Bonding time din daw kasi nilang mag-asawa ang pagba-boxing.
"Hindi lang 'yung pagpapapayat at hindi lang pagpapapawis kundi parang nakaka-bond ka rin sa husband mo. Ganun din sa mga bata. When we run, 'yung mga bata nagra-run din," aniya.
Ang goal daw niya ngayon ay manatiling healthy.
"I'm not getting any younger, kaming dalawang mag-asawa. Hindi ko na hinahabol 'yung maging thin, pero [gusto kong] maging healthy," paliwanag niya.
Panoorin ang feature sa kanya ng programang Pinoy MD: