
Muling magsasama sa isang proyekto ang tambalan nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na pumatok noong '80s sa pelikulang 'Mang Jose.'
Huling nagkatrabaho ang dalawa nang mag-guest si Janno sa hit rom-com na 'Meant to Be' noong 2017.
"It's always nice working with the Manilyn, siya ang favorite kong ka-partner talaga on screen," saad ni Janno.
Dagdag naman ni Manilyn, "Palagi naman masaya 'pag kasama si Janno e. Lagi naman masama siyang ka-trabaho."
Makakasama rin nina Manilyn at Janno ang The Gift young actor na si Mikoy Morales.
Ani Mikoy, may nararamdaman siyang pressure kasama sina Manilyn at Janno.
Alamin ang buong detalye sa balik-tambalan nina Manilyn at Janno sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: