
Mabuhay ka, Manny!
Saski ang buong mundo sa iyong muling pagkapanalo at pinatunayan mo na ikaw pa rin ang People’s Champ. Saludo kami sa iyong galing at nagpapasalamat sa dangal na dinala mo sa Pilipinas bilang ang bagong WBA Welterweight Champion.
Nanalo kahapon, July 15 si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Argentine boxing champ Lucas “La Maquina” Matthysse sa “Fight of Champions” na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.