What's Hot

WATCH: Manny Pacquiao, dismayado sa desisyon ng mga hurado sa laban nila ni Jeff Horn

By Al Kendrick Noguera
Published July 3, 2017 7:40 PM PHT
Updated July 3, 2017 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Kevin Alas, Robert Bolick spark late NLEX breakaway vs. Phoenix 
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News



"Nakakasira ng imahe ng boxing." - Manny Pacquiao  

Ngayong araw, July 3, nakabalik na ng bansa si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos niyang kalabanin ang boksingerong si Jeff Horn sa Brisbane, Australia kahapon, July 2.

Habang nasa General Santos City, pinaunalakan ni Pacman ang 24 Oras sa isang live at exclusive interview kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya sa naging desisyon ng mga hurado matapos panalunin ang Australian fighter.

"Siguro naman nakita nila at narinig nila, 'yung majority ng boxing fans, na hindi nila gusto 'yung desisyon ng judges at 'yung ginawa ng mga referee. At ito ay nakakasira ng imahe ng boxing," saad ni Pacquiao kay GMA News anchor Mike Enriquez.

Ayon pa kay Pacquiao, kung magkakaroon daw ng rematch ay nais niyang makialam sa pagpili ng judges. Bahagi niya, "Hindi pa naman pinag-uusapan ngayon ['yung rematch]. Kung sakali mang may rematch at kung matuloy ang rematch doon sa Brisbane, ako ang pipili ng judges."

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Senator Manny sa mga Pilipino na sumuporta sa kanya kahit hindi niya nadepensahan ang kanyang WBO (World Boxing Organization) Welterweight title laban kay Horn.

"Sa buong sambayanang Pilipino, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa walang sawang pagmamahal, suporta at dasal ng buong sambayananang Pilipino. Kayo ay nakapagbigay sa 'kin ng lakas ng loob para ako ay magpursigi," pagtatapos niya.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report: