
Mahigit isang buwan na lang at mapapanood na ang boxing match nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ang undefeated boxer na si Keith Thurman para sa titulong “World Boxing Association Unified Champion.”
Upang paghandaan ang nalalapit na paglalaban, makaka-sparring ni Manny si Tim Tszyu, anak ng dating world champion Kostya Tszyu.
Pahayag ni Manny, “[Si Tim ay] matangkad, medyo mabilis din.
“So makakatulong ng malaki para sa fight ko na ito kasi similar 'yung style niya.”
WATCH: Manny Pacquiao, balik-ensayo para sa laban kontra kay Keith Thurman
Sabi ng trainor ni Pacman na si Buboy Fernandez, pinag-aaralan nilang maigi ang lahat para masiguradong one hundred percent and kundisyon ng boksingero pagdating ng Hulyo 20.
Aniya, “Alam natin si Thurman bata tapos siyempre uhaw din yan sa laban lalo na sa kampeon na ito [Manny].
“Sa ipinapakita ni Senator ngayon sa training at saka determinasyon, ibang bagyo itong haharapin ni Thurman.
“Sigurado akong magandang laban ito.”
Panoorin ang buong ulat:
WATCH: Keith Thurman on fight against Manny Pacquiao: “Your senator is going down.”
WATCH: Manny Pacquiao, ganadong makaharap ang undefeated boxer na si Keith Thurman