What's Hot

WATCH: Manny Pacquiao, nagregalo ng bahay sa isang sorbetero

By Bianca Geli
Published June 5, 2018 2:04 PM PHT
Updated June 5, 2018 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Almost 200,000 outbound passengers seen in seaports during Holy Week
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Mistulang nanalo sa jackpot ng lotto ang 64-anyos na si Marcelino Entia. Panoorin ang kuwento ng swerteng Mamang Sorbetero. 

Mistulang nanalo sa jackpot ng lotto ang 64-anyos na sorbetero na si Marcelino Entia nang mabigyan siya ng house and lot ni Senator Manny Pacquiao.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Nag-bebenta lang daw si Marcelino o “Manong Sorbetero” ng ice-cream sa Pambansang Kamao nang mabiyayaan siya nito.

Maliban sa pagpakiyaw ni Manny sa lahat ng tinda niyang ice-cream, ni-regaluhan din siya ni Pacman ng sariling bahay at lupa.

Taong 2009 ng ma-stroke ang tubong Gen. Santos na si Mang Lino, pero pinilit pa rin niyang maghanap-buhay para maitaguyod ang pamilya.

Noong 2011 nang mangupahan sila ng barong-barong sa Gen. San sa halagang ?500 kada buwan. Dahil kapos sa pera, hindi na rin naiinom ni Mang Lino ang kaniyang maintenance na gamot.

Dasal ni Mamang Sorbetero, “Sana mayroong tao, may puso na makapag-bigay ng supporta sa amin.”

Dininig ng Diyos ang kaniyang panalangin nang mag-krus ang landas nila ni Sen. Manny habang nagbi-benta siya ng ice-cream sa isang subdivision kung saan nag-iinspeksyon ang Pambansang Kamao.

Ikinuwento din ni Sen. Manny kung paano siya naantig sa istorya ni Mang Lino. “Si Tatay Lino, nagsisikap siya. Hindi siya nag-iisip ng masama kung paano kumita ng pera. Basta lahat ng paraan para kumita ng pera ginagawa niya kahit pa-piso piso, nagti-tiyaga talaga siya na maglako ng ice-cream.”

Dagdag ni Manny, “Kasi ako, na-experience ko rin na magtinda ng ice-cream ‘nung bata pa ako.”

Panoorin ang pagtatagpo ni Sen. Manny Pacquiao at Manong Sorbetero sa KMJS:

Video from GMA Public Affairs