
Ngayong gabi sa Encantadia, kailangang manalo ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) kay Vish'ka (Conan Stevens) sa isang inuman.
Nagtungo sina Danaya, Lira (Mikee Quintos) at Wantuk (Buboy Villar) kay Vish'ka upang magpagawa ng kalasag para sa tunay na anak ni Amihan. Ginto ang ibibigay ng mga diwata na kapalit nito ngunit hindi ito tatanggapin ni Vish'ka. Ang higante ay naghahanap ng kanyang mapapangasawa kaya't hahamunin niya si Danaya sa isang inuman. Kapag nanalo si Danaya, makukuha nila ang kalasag ni Lira ngunit kapag natalo siya, magiging asawa siya ni Vish'ka.
Encantadia: Ang hamon ni Vish'ka kay Danaya by encantadia2016
EXCLUSIVE: Sneak peek at 'Encantadia's episode (October 3)
Sino kaya ang mananalo kina Danaya at Vish'ka? Abangan mamaya sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
Encantadia: The Rebirth (Week 11 review) by encantadia2016
Carlo Gonzales, may sariling fan art making contest para kay Muros ng 'Encantadia'
IN PHOTOS: Funniest 'Encantadia' memes