GMA Logo
Celebrity Life

WATCH: Margielyn Didal, Daniel Ledermann naka-gold sa SEA Games 2019 skateboarding event 

By Dianara Alegre
Published December 6, 2019 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi naging mailap kina Margielyn Didal at Daniel Ledermann ang ginto sa 2019 SEA Games.

Naiuwi ni Margielyn Didal ang gintong medalya nang mapataob niya ang kalaban at kapwa Pilipinong si Cristiana Means sa finals ng skateboarding competition sa Southeast Asian Games, kahapon, Disyembre 5.

Out here in Tagaytay! See you guys soon at the Opening Ceremony for the South East Asian Games. ❤️❤️❤️ #WEWINASONE #GOFORGOLD

A post shared by Margielyn Arda Didal (@margielyndidal) on

'Tila laro lang ng magbarkada sa kalye ang naging gold match nina Margielyn at Cristiana.

Sa naganap na face-off, ang nanalo sa toss coin ang magdidikta ng mga moves or tricks na dapat gayahin ng katunggali. Salitang magse-skate ang mga kalahok at matatalo ang sesemplang o hindi makagagawa ng tricks.

Sa katapusan ng match, si Didal ang nakasungkit ng ginto at silver medal ang naiuwi ni Cristiana.

Thank u skateboarding 🙏🏽 #seagames2019 #philippines #goforgold

A post shared by Daniel Ledermann (@daniel.ledermann) on

Samantala, wagi rin ng gold medal si Daniel Ledermann sa skateboarding men's division.

Nakatakda namang lumaban ang iba pang skaters sa street at park skate competition sa pagpapatuloy ng SEA Games 2019.

Panoorin ang buong ulat:

WATCH: James Deiparine quenches PH's decade-long gold medal drought

WATCH: Hidilyn Diaz wins gold medal in 2019 SEA Games weightlifting!